Epekto ng Implasyon

 

    Ano nga ba ang Implasyon? Malaki ba ang epekto nito sa atin? Bakit ba may implasyon? Ano ang mga posibleng epekto nito?




    Ang implasyon ay ang pataas ng presyo ng bilihin. Ito ay ang pagtaas ng pera sa dolyar at pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sa madaling salita ito ay ang pagtaas ng presyo sa pangkahalatang bilihin sa pamilihan.
    
    Ano ba ang epekto nito? Ang mga dahilan at epekto nito ay pagtaas ng suplay ng pera, dito tumataas ang demand ng o presyo ng mga bilihin. Pag-aangkat ng mga sangkap- dito naman kapag mataas ang mga materyales sa pag-aangkat tumataas ang presyo ng mga sangkap na nagiging sanhi ng implasyon. Isa pa dito ay ang pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar - dito naman dahil sa kakulangan ng pagpasok na dolyar sa bansa tumataas ang presyo nito. Isa pang dahilan at epekto nito ay ang pambayad sa utang sa ibang karatig na bansa,  sa halip na nagagamit ito para sa ibang aktibidad sa bansa o nagagamit ang badyet, ito ay napupunta sa pambayad sa utang ng bansa sa ibang bansa. 

    Kapag ang dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng demand, ang mga negosyante ay nanghihikayat na pataasin at pagbutihin ang produksyon, dahil sa kanilang mga negosyante ang mataas na presyo ay insetibo. 


    Ano ba ang mabuting epekto nito sa mga mamamayan?  Ito ay ang mataas na kita para sa mga pabrikante. Isa pa dito ay ang mas mabilis na paglawak ng ekonomiya dahil dito Kapag ang pagtaas ng demand ay nagdudulot ng implasyon, ang ekonomiya ay lumalago nang mas mabilis habang ang mga producer ay naglalaan ng mas maraming kapital upang lumikha ng mas maraming supply upang makasabay sa pagtaas ng demand.
     Sa magandang kabutihan na epekto nito ay siguradong may masamang epekto din ito. Ito ay gaya ng pag-iimbak, dahil Bumibili ang mga tao ng pangmatagalan, hindi nabubulok na mga kalakal upang maiwasan ang patuloy na pagbaba ng kakayahang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ito ay humahantong sa isang makabuluhang kakulangan ng mga stock na produkto. Ang kakulangan na ito ay tumataas nang husto sa presyo ng mga produkto ng imbentaryo. Isa pa ay ang tinatawag na sobrang pagkakaroon ng implasyon, dahil kapag mataas ang implasyon, ang mga tao ay may posibilidad na mag-ipon o mag-ipon ng pera at hindi ito ginagamit. Ang sobrang pag-iipon ng pera ay humahantong sa pagtaas ng impalsyon dahil ito ay humahadlang sa paggalaw ng ekonomiya. Sa napakaliit na pera sa sirkulasyon, ang gobyerno ay kailangang mag-imprenta ng mas maraming pera, na nagpapatindi sa implasyon.


    Mas mabuting alamin ang epekto ng implasyon lalo na't nag-aaral tayo ng ekonomiks na kung saan ito ay napag aaralan at natututunan kung paano ito nangyayari. Sa pangkalahatan, ang pagtaas o pagbaba ng implasyon sa isang bansa ay nakasalalay sa mga aksyon ng mga mamamayan nito, lalo na sa mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan. Ang kasalukuyang rate ng implasyon sa Pilipinas ay partikular na masama para sa mga ordinaryong tao dahil nakikita ang rate ng implasyon.


Comments